embracing the night

Blog Entryang gutom ay kathang isip lamangFeb 19, '08 1:13 AM
for everyone

 

nagugutom ba ako? e kakakain ko lang kanikanina. nakaisang extra rice pa nga ako e. hidni naman ako dapat magutom. pero parang gusto kong kumain. yung matamis naman. yung hindi dry. mag dirty ice cream kaya ako? ay hindi, masarap yung mango bravo. parang light lang naman sya e and very moist. hindi sya masyadong matamis pero lasang lasa yung mango flavor. its best consumed chilled. parang ice cream na rin yun na matutunaw sa bibig. *snap*

parang napaparami ata ang kain ko sa mga nakalipas na buwan. ansabi ng ate ko malakas daw talaga ako kumain. ang sabi naman ng tatay ko, one word, glut. gusto kong magglutathione pero alam kong hindi naman yun ang tinutukoy ng nya. medyo napahiya naman ako kasi parang feeling ko matutuwa sya na kain karpintero ako. ouch.

parang may nagcomment ata sa isa sa mga multiply pix ko na tumataba raw ako. at ang kadalasang bati sakin ng mga tao ngayon ay, 'hey what happened to your face?' o kaya, 'huy tumaba ka.' eto pa, yung isang friend ko na itatago na lang natin sa pangalang earvin na matapos kong panoorin ang dance nila sa ccp ay babatiin ako sa lobby ng 'huy antaba mo na.'sabay yakap ng mahigpit. ansaya. hindi lang naman ako ang mataba ah. tignan mo naman si amabelle. si vanna anlaki ng tyan. isama mo pa yang si real. si karen din namromroblema na naman sa katawan nya e. patabaan na yata ang labanan ngayon. pero parang hindi.

ano nga ba ibig sabihin ng sour grapes at sweet lemons? pareho naman sigurong malasa yung mga yun. e yung bitterness? alam naman ng maraming tao lasa nun. e yung gutom? naranasan ko na yung tipong kumakalam na yung sikmura ko pero hidni pa ako pedeng kumain sa ilang mga kadahilanan. ang lungkot namang isipin na nagugutom ako. yung tipong gusto ko nang kumain pero di pa pwede. pero mas malungkot atang na nagugutom ako pero pinipigilan ko lang ang sarili kong kumain kasin nasa harap ko na ang pagkain dahil iniisip kong dadagdag lang sa mass ko ang pagkaing kakainin. mali ata yung ganun.

balita ko mas mahal magdiet kesa ang magsuper eat all you can buffet kung kelan ko gusto. southbeach diet has been pop and there are even deliveries for this kind of meal regulation but its a little pricey than a regular fastfood meal. meron nga ring book na about sa diet kaso sobrang effort naman ang maghanap ng mga dahon dahon na ngunguyain kong parang kambing. pati na ang mga nuts at dressing sa ilang piling stores lang meron. ang crash diet naman ay detrimental sabi nila. pano na yung mga gustong magpapayat? e di naman mawawala ang gutom. lalo na ang cravings. btw, masarap pla ang chocolate cake sa cravings.

uso na rin ang mga gym ngayon. work out work out daw para matunaw ang taba. kakapagod. ambibigat ng mga kailangang buhatin. effort magcardio. tamad ba ang tawag sa taong katulad ko? naalala ko tuloy si fat bastard ng austin powers. such a nice picture in the mind. lolz.

diet pills. meron pang whitening na kasama. haha. droga. iinumin mo lang di ka na kakain. o kaya naman magdedetoxify ka ng mabilis. ayoko naman nun. pero gusto kong subukan yung diet pills an hindi raw ako makakaramdam ng gutom. yung tipiong gabi na pero wla pa akong kinakain na kahit ano. tapos nahihilo na lang ako kasi wlang laman tyan ko. ayus yun. papayat talaga ako. matutuyo pati utak ko. hindi ko na kasi iisipn ang gutom. hunger wouldnt exist even in my imagination. papayat ako. yung tipong payat tapos mukang hott pero hindi na makacomprehend ng mga bagay bagay kasi payat na rin ang utak. ahaha. teka hindi ko ata kaya yun.


10 CommentsChronological   Reverse   Threaded
caelthalanis wrote on Feb 19
I'm trying to be a sweet lemon but you can never change a sour grape -___-

peppermintgingerole wrote on Feb 19
eto ang epekto ng mga mahilig lumafang pero guilty naman sa huli:-0
falcon1 wrote on Feb 19
I'm trying to be a sweet lemon but you can never change a sour grape -___-

how about bitterness?
falcon1 wrote on Feb 19
eto ang epekto ng mga mahilig lumafang pero guilty naman sa huli:-0
alam mo sabi sakin kanina ng blockmate nating itatago ko na lang sa pangalang david, medyo lumaki ka raw. ang nice noh? we were at greens, morato for a veggie dinner. healthier perspective daw, e nagsuper fleur de lis kame after. ahaha. si madam riza kasi special guest namin. ^_^ missing you peppermintgingerolé!
peppermintgingerole wrote on Feb 20
hay! kakainis! nde na nga aq kumakain ng pork lumalaki pa din aq..grrrr tlg!
falcon1 wrote on Feb 20
hay! kakainis! nde na nga aq kumakain ng pork lumalaki pa din aq..grrrr tlg!
pero magffood trip tyo kapag nagkita uli tyo di ba?
peppermintgingerole wrote on Feb 21
uu nga pala:-) hihihi..nakalimutan q na...heheheh! cge kita meet tau tapos kita lafang ever tau ahhh:-)
falcon1 wrote on Feb 21
uu nga pala:-) hihihi..nakalimutan q na...heheheh! cge kita meet tau tapos kita lafang ever tau ahhh:-)
miss ko na yung pagiging PG ko sa mga events mo...
pero ngayon PG on a different level na ako. wahuhu
peppermintgingerole wrote on Feb 23
anung different level? as super Fatay Gutom ka na tlga? ung tipong glutton na?
falcon1 wrote on Feb 24
anung different level? as super Fatay Gutom ka na tlga? ung tipong glutton na?
ahaha. paglipas ng weekend, parang nabawasan na. feeling ko nagnonormalize na uli ako. hehe. hey, ill see you in a bit, punta ako sa bahay nyo!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help