|
Kung ibig mo akong makilala, lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat, ang titig kong dagat— yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit ng kahapon ko’t bukas. Kung ibig mo akong makilala sunduin mo ako sa himlayang dilim at sa madlang pagsukol ng inunang hilahil, ibangon ako at saka palayain. Isang pag-ibig na lipos ng lingap, tahanang malaya sa pangamba at sumbat may suhay ng tuwa’t ang kaluwalhatia’y walang takda— ialay mo lahat ito sa akin kung mahal mo ako’t ibig kilalanin. Kung ibig mo akong kilalanin, sisirin mo ako hanggang buto, liparin mo ako hanggang utak, umilanlang ka hanggang kaluluwa— hubad ako roon: mula ulo hanggang paa. Ruth Elynia S. Mabanglo
![]() Bantay Bata / Watermelon Festival
sour graping & hide & seekingfirst it was the position that i sour graped from. the title was a little bit too much for me and i wasnt sure of the compensation. one things for sure though, the directress trusted me with the workload. two days... more
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||





















